Ilan Ang Gulay at Prutas sa Bahay Kubo – Alamin nating ngayong 2023
Mayroong labing pito (17) na gulay sa bahay kubo. Ito ay ang singkamas, talong, sigarilyas, mani, sitaw, bataw, patani, kundol, patola, upo, kalabasa, labanos, mustasa, sibuyas, bawang, luya at linga.
Isa naman ang prutas sa awiting bahay kubo, ito ay ang kamatis.

Prutas sa bahay kubo list
Gulay sa bahay kubo list with picture
- Singkamas
- Talong
- Sigarilyas
- Mani
- Sitaw
- Bataw
- Patani
- Kundol
- Patola
- Upo
- Kalabasa
- Labanos,
- Mustasa
- Sibuyas
- Bawang
- Luya
- Linga

Lyrics
Bahay kubo, kahit munti
Ang halaman doon, ay sari-sari
Singkamas at talong, sigarilyas at mani
Sitaw, bataw, patani
Kundol, patola, upo’t kalabasa
At saka meron pa, labanos, mustasa
Sibuyas, kamatis, bawang at luya
Sa paligid-ligid, ay puno ng linga
Iba pang mga impormasyon tungkol sa kantang ito
- Ang “Bahay Kubo” ay isang tradisyonal na tagalog folk song. Ang awitin na ito ay sikat na sikat dito sa Pilipinas. Bata palang tayo ay itinuturo na ito sa atin ng ating mga magulang at guro diba?
- Ito ay sinasabing nagmula pa noong 1900s at naisama sa mga koleksyon ng mga Filipino Folk song na binuo ni Emilia S. Cavan.
- Inawit ito ni Slyvia La Torre, isang tanyag na mang-aawit at aktres, noong 1966.
- Kinanta din ito ni Ms. Lea Salonga, kasama pa ang ibang tradisyonal na awiting Pilipino.
- Ang kantang ito, ay maiksi at may simpleng melodiya. Madaling tandaan ng kahit na sino.
- Ang mga gulay na binanggit sa awitin na ito ay itinuturing na kumakatawan sa mga produkto ng Pilipinas.
Sino ang sumulat ng awiting bahay kubo?
Ang tradisyunal na awitin na ito ay isinulat ni Felipe Padilla De León. Isang national artist ng Pilipinas. Isang tanyag na kompositor ng classical music at iskolar. Siya ay nakilala sa pagsulat ng iba’t ibang sonata at konsyerto na nagpapakita ng pagkakakilanlan ng mga Pilipino.
Mga iba pang katanungan
Ano ang unang prutas na nabanggit sa awiting bahay kubo?
Kamatis ang una at kaisa-isang prutas na nabanggit sa kantang bahay kubo.
Ano ang ika-10 gulay sa bahay kubo?
Upo ang ika-sampung gulay sa bahay kubo.

Eliza is an educator, blogger, and former university teacher. She also loves to run and has an active lifestyle. She writes about education and her experiences getting into shape, and living a healthy lifestyle.