Prutas Ba Ang Singkamas o Gulay? Alamin natin ngayon 2023!
Sadya naman talagang nakakalito kung ang singkamas ba ay isang prutas o gulay. Kaya naman naisipan namin na isulat ang article na ito para makatulong kami sa inyo. Tara’t alamin natin ngayon ang sagot!
Prutas Ba Ang Singkamas?
Ang singkamas ay isang gulay at hindi prutas. Ito ay kabilang sa pamilya ng mga bean na nagmula sa Central America at Mexico. At ipinakilala naman sa Asya ng mga Espanyol. Dito sa Pilipinas, karaniwang kinakain ang singkamas tuwing mainit ang panahon o summer. Dahil ito ay matamis, naglalaman ng 90% na tubig at talaga namang napakasustanya.
Kami dito sa Sportystation, gustong gusto namin na kinakain ito with bagoong! Oh ayan, nagutom tuloy kami ngayon. Pwedeng pwede mo rin basahin ang article na ito kung nais mong malaman kung gulay o prutas ba ang kamatis.
Ngayon naman pag-aralan natin ang pagkaka-iba ng gulat at prutas.
Pag-kakaiba ng prutas at gulay
Ang prutas at gulay ay dalawang kategorya ng pagkain na karaniwang pinag-uusapan. Kahit na madalas nating ginagamit ang mga salitang “prutas” at “gulay” nang magkasama, mayroong mga pagkakaiba sa pagitan ng dalawang ito.
Prutas
- Ang prutas ay mga halamang may mga buto na nagmumula sa pag-mature ng obaryo ng bulaklak. Ito ay karaniwang matamis o maasim ang lasa. Ang ilan sa mga halimbawa ng prutas ay ang mansanas, saging, at ubas.
- Ito ay may mga buto na tumutulong sa pagpaparami ng halaman.
- Meron din mga prutas na walang mga buto. Ito ay maaring mangyari kung ang prutas ay nabuo kahit hindi na-fertilize o di kaya ay ginamitan ng makabagong teknolohiya sa pagpapamunga nito.
Gulay
- Karaniwang itinuturing na mga gulay ang mga dahon, tangkay, ugat, at mga bulaklak na hindi nagiging mga prutas. Ang mga halimbawa ng mga gulay ay ang kamote, kangkong, patatas, at mga sibuyas.
Mga impormasyon tungkol sa singkamas
Ang singkamas ay isang tanyag na gulay hindi lang dito Pilipinas pati na rin sa buong mundo. Narito pa ang ibang mga impormasyon tungkol sa masarap at masustansyang pagkain na ito:
- Ang scientific name ng singkamas ay Pachyrhizus erosus.
- Ang singkamas ay nagmula sa mga lugar ng Central America at Mexico.
- Ang singkamas ay uso tuwing tag-init.
- Ang ingles nito ay turnip.
- Pwede itong kainin ng hilaw at mas masarap itong kainin kapag may kapares na bagoong o asin.
- Ang singkamas ay mayaman sa Vitamin C na isang antioxidant na may mga potensyal na benepisyo sa kalusugan.
- Ang gulay na ito ay mababa sa calorie kaya’t maituturing itong isang magandang pagkain para sa mga nais magkaroon ng malusog na diyeta.
- Ang singkamas ay maaaring tumagal ng 2-3 na linggo kapag ito ay nasa tamang kondisyon ng pagkakatago, lalo na kung ito ay nasa loob ng refrigerator.
- Kasama ang gulay na ito kantang bahay kubo.
Mga Benepisyo ng Singkamas
Ang singkamas ay mayroong ilang mga katangian na nakakatulong sa ating kalusugan.
- Ang singkamas ay mayaman sa fiber, kaya nakakatulong ito sa pag-digest ng mga pagkain at para sa mga hirap dumumi.
- Ito din ay mayaman sa bitamina C, na maaaring magtulong sa pagpapatibay ng ating immune system at makatulong sa laban sa mga impeksyon at iba pang mga sakit.
- Ang katas ng singkamas ay may “cooling effect” na mabisa kung ikaw ay nilalagnat.
- Dahil ang singkamas ay mababa sa calorie at naglalaman ng tubig, ito ay maaaring makatulong sa pagbawas ng timbang.
- Mabisa din ang singkamas kontra sunburn dahil sa taglay nito na tubig na nakakatulong sa pag-moisturize ng balat. Ipahid lamang ang ginadgad na singkamas sa bahagi na na-sunburn.
- Dahil ulit sa dami na tubig ng singkamas, nakakatulong ito kapag tayo ay nauuhaw at naiinitan. Mabisang pang-kontra sa heat stroke!
Tandaan na ang singkamas ay bahagi lamang ng isang malusog na diyeta. Mabuting kumunsulta sa doktor o nutrisyonista para sa tamang paggamit at benepisyo ng gulay na ito para sa iyong partikular na kalagayan.
Eliza is an educator, blogger, and former university teacher. She also loves to run and has an active lifestyle. She writes about education and her experiences getting into shape, and living a healthy lifestyle.