Bahay Kubo Lyrics: A Popular Folk Song From the Philippines
Bahay kubo, kahit munti
Ang halaman doon, ay sari-sari
Singkamas at talong, sigarilyas at mani
Sitaw, bataw, patani
Kundol, patola, upo’t kalabasa
At saka meron pa, labanos, mustasa
Sibuyas, kamatis, bawang at luya
Sa paligid-ligid, ay puno ng linga
Ang bahay kubo ay isang tradisyonal na katutubong awiting Pilipino (folk song). Sinasabing ito ay nagmula sa Luzon at isinulat ni Felipe Padilla de León.
Ang kantang ito ay tungkol sa bahay kubo o nipa hut na napapalibutan ng iba’t-ibang klaseng gulay. Ito ay popular lalo na sa mga batang Pilipino. At sa totoo lang, parang wala pa akong nakilala na hindi alam ang kantang ito.
English Translation of the Song
A nipa hut, though small
The plants around it, are varied
Turnips and eggplants, winged beans and peanuts
String beans, hyacinth beans, lima beans
Wax gourd, luffa, white gourd and squash
And there’s more, radish, mustard
Onions, tomatoes, garlic, and ginger
All around, sesame plants abound.
Piano Sheet
Bakit nga ba sobrang popular ng kantang Bahay Kubo?
Isa ang bahay kubo sa mga unang kanta na natutunan natin noong tayo ay bata pa. Kahit di pa tayo nagaaral, itinuturo ito sa atin ng ating mga magulang.
Ang kantang ito ay naging sikat dahil ito ay masayang kantahin, maiksi at madali lang makabisado. Maganda pa ang lyrics at ang tono ng kanta kaya kahit ang mga matatanda na ay hindi pa rin ito nalilimutan.
Ang bahay kubo rin ang isa sa mga nagpapakilala na tayo ay Pilipino. Kung ang mga banyaga ay may Twinkle Twinkle Little Star, tayo naman ay may Bahay Kubo.
Eliza is an educator, blogger, and former university teacher. She also loves to run and has an active lifestyle. She writes about education and her experiences getting into shape, and living a healthy lifestyle.