Mga Isyung Panlipunan Sa El Filibusterismo

Sa ating talakayan ngayon, tutuklasin natin ang mga isyung panlipunan na matatagpuan sa El Filibusterismo na sinulat ni Dr. Jose Rizal.

Sa ating pag-aaral ng nobelang ito, makikita natin ang pagsisiyasat ni Rizal sa mga suliraning panlipunan noong panahon ng Kastila. Marami tayong matututuhan tungkol sa mga paglabag sa karapatan ng mga Pilipino, kahirapan, at iba pang isyu na mahalaga sa ating lipunan.

Narito ang Mga Isyung Panlipunan Sa El Filibusterismo

  1. Diskriminasyon sa lahi
  2. Paggamit ng ipinagbabawal na gamot
  3. Pagkamit ng gusto sa maling paraaan
  4. Kahirapan
  5. Kakulangan sa edukasyon
  6. Ang pangingialam ng simbahan sa usaping pampulitika
  7. Paghuhugas-kamay ng makapangyarihan
mga isyung panlipunan sa el flibusterismo

1. Diskriminasyon sa lahi

Si Basilio ay itinuring na hangal dahil sa kanyang pagiging isang Pilipino, kahit na siya’y isang iginagalang na guro. Katulad din ito ng sitwasyon natin ngayon na kung saan ang mga dayuhan o mga may lahi ay mas pinapaboran kaysa sa ating kapwa Pilipino.

Sa nobelang El Filibusterismo, itinuturing na ang mga produkto mula Espanya ay lubos na mas maganda ang kalidad kaya sa mga gawang Pilipino.

Sa totoo lang, ganito rin halos ang sitwasyon natin ngayon. Di ba mas sikat ang mga produktong galing ibang bansa kaysa sa ating lokal na produkto. Halimbawa nalang yang mga celphone natin ngayon.

racism

Mas marami ang pumapabor sa Apple o Samsung kaysa sa mga phone na gawa dito kagaya ng Cherry Mobile. Sa ibang parte naman ng mundo ay tila ba ang baba ng tingin ng mga tao sa Pilipino. Katulad nalang sa bansang Amerika, laganap ang diskriminasyon doon.

Kinukutya nila ang kulay at ang panglabas na anyo ng mga Pilipino at iba pang mga tao na nabibilang sa third world countries.

2. Paggamit ng ipinagbabawal na gamot

lulong sa droga

Si Kapitan Tiyago ay nalulong sa opyo o opium, isa itong pinagbabawal na gamot. At dahil sa pagkakahumaling nya dito ay tuluyan nang nasira ang kanyang kalusugan. Isa ito sa pinakamatinding problema ng Pilipinas noon at hanggang ngayon.

Laganap pa rin ang bentahan at paggamit ng ilegal na droga at para bang mas lalo pang lumalala ito sa ngayon.

3. Pagkamit ng gusto sa maling paraaan

Si Pelaez ay isang tauhan sa El Filibusterismo na gagawin ang lahat kahit ito ay masama man o mabuti. Lubos siyang determinado sa kanyang mga ambisyon kaya naman handa siyang gumawa ng hindi maganda para lamang makamit iyon.

Hanggang ngayon, ang isyung panlipunan na ito ay narito pa rin. Halimbawa, may mga politiko na gagawin ang lahat para lamang manalo sa eleksyon. Nandyan ang pagpatay sa karibal na posisyon at ang pagbili ng boto (vote buying).

4. Kahirapan

Si Kabesang Tales ay isang masipag na magbubukid. Ngunit sa kasamaang-palad may dumating na mga pagsubok sa kanyang pamilya. Itinaas ang buwis sa kaniyang tubuhan hanggang sa tuluyan ng inangkin ito ng mga prayle.

batang basurero

Nagsampa si Kabesang Tales ng kaso sa korte, subalit siya ay natalo. Bukod dito, naipakulong din si Kabesang Tales nang madiskubre siya na may patalim at pera. Wala sila pangtubos sa kanya kaya naman naibenta ni Juli ang mga alahas nila pero kinulang pa rin. At dahil dito, tuluyan na silang naghirap at hindi na nakapag-aral si Juli.

Ang kahirapan ang numero unong kalaban ng ating bayan. Hanggang sa ngayon, ang dami pa rin mahihirap na Pilipino.

5. Kakulangan sa edukasyon

Mababasa natin sa kabanata IV na si Juli ay hindi nakapag-aral dahil sa mga problemang kinakaharap ng kanyang pamilya. Naging biktima siya ng mga pangyayari nang ang kanyang ama, si Kabesang Tales, ay nakulong dahil sa malaking utang sa gobyerno

6. Ang pangingialam ng simbahan sa usaping pampulitika

Ang mga prayle (o mga paring Espanyol) ang namuno noong panahon ni Rizal. Sila ay makapangyarihan at mataas ang tingin sa kanila ng mga tao.

Lahat ng magagandang benepisyo ay naibigay sa kanila at hindi rin mababalewala ang pang-aalipusta ng mga prayle sa mga Pilipina. Ang mga opinyon ng mga pari ang may hawak sa lahat ng usapin. Pareho rin ito sa kasalukuyan, lalo na nang pumutok ang isyu ng diborsyo (divorce).

simbahan

Ang diborsyo ay isang legal na proseso ng paghihiwalay ng mag-asawa na nagreresulta sa pagsuspinde ng kanilang kasal. Sa pamamagitan ng diborsyo, ang mag-asawa ay legal na magkakaroon ng karapatan na mag-asawa muli o mamuhay nang hiwalay.

Ang diborsyo ay isang kontrobersyal na isyu sa lipunan at kadalasang tinatalakay dahil sa mga moral, pampulitika, at pangrelihiyong paniniwala. At dahil sa sensitibong nitong kalikasan kaya nakialam ang Simbahan.

Lubos itong tinututulan ng simbahan at mga pari dahil daw sa posible nitong pagkasira ng isang pamilya at may malaking epekto sa mga bata.

7. Paghuhugas-kamay ng makapangyarihan

Naghugas-kamay si Padre Clemente nang malaman niya ang isang tsimis tungkol kay Tandang Selo. Dahil dito ay nasira ang kanyang integridad ngunit napaboran pa rin siya ng batas ng Espanya.

Siya din ay prinotektahan dahil sa kanyang mataas na antas sa lipunan. Katulad ngayon, ang mga taong matataas at makapagyarihan at hindi nakukulong o di kaya’y nakakalabas agad ng kulungan. Nagagawa nila ito sa isang simpleng paliwanag lamang o sa paghuhugas-kamay.

Bakit importante na pag-aralan ang mga isyung panlipunan sa El Filibusterismo?

Mahalagang pag-aralan ang mga isyung panlipunan sa El Filibusterismo dahil:

  1. Ito ay nagbibigay ng pag-unawa sa kasaysayan ng Pilipinas.
  2. Mas lalo natin nakikilala si Dr. Jose Rizal.
  3. Nagpapalawak ito ng kamalayan sa mga suliraning kinakaharap ng lipunan.
  4. Nagbibigay ng pagkakataon upang suriin ang kasalukuyang kalagayan.
  5. Nakapagbibigay ng inspirasyon para sa pagbabago.
  6. Nagpapakilos sa mga mamamayan na maging bahagi ng positibong pagbabago.

Ano ang El Filibusterismo

dr jose rizal - el filibusterismo

Ang El Filibusterismo ay isang nobelang isinulat ni Dr. Jose Rizal, ang pambansang bayani ng Pilipinas, na unang nailathala noong 1891. Ito ay ang ikalawang nobelang isinulat ni Rizal, na sumusunod sa Noli Me Tangere.

Ang El Filibusterismo ay isang obra na sumasalamin sa kalagayan ng Pilipinas noong panahon ng kolonyalismo ng mga Kastila. Ito ay naglalahad ng mga pangyayari at isyung panlipunan sa pamamagitan ng paglalarawan ng mga tauhan at karanasan nila.

Si Simoun ang pangunahing tauhan nito. Isa siyang mayamang negosyante na tila ba may mga misyon na dapat gawin.

Ang nobela na ito ay sumasaklaw sa iba’t ibang mga isyung panlipunan tulad ng katiwalian sa pamahalaan, korupsyon, kolonyalismo at pang-aabuso ng mga nasa kapangyarihan. Ipinapakita rin nito ang mga kahalagahan ng edukasyon, dignidad ng mga Pilipino, at pagmamalasakit sa bansa.

Sa pamamagitan ng El Filibusterismo, ipinahayag ni Rizal ang kanyang mga saloobin para sa pagbabago at paglaya ng mga Pilipino mula sa mga mapagsamantala. Ito ay naglunsad ng malaking epekto sa mga Pilipino at nagdagdag ng kahalagahan sa kilusang pangkalayaan at pagkabansang Pilipino.

Sino ang may akda nito?

Si Dr. Jose Rizal, ang pambansang bayani ng Pilipinas ang may akda ng nobelang El Filibusterismo.

Iba pang mga aralin tungkol sa isyung panglipunan: