Tambalang Salita [2023]: 45 na Halimbawa, Kahulugan at Ano Ito

Ang tambalang salita (compound words) ay binubuo ng dalawang payak na salita na pinagsama upang makabuo ng bagong salita na pwedeng magkaroon ng bagong kahulugan.

  • Agaw + atensyon = Agaw-atensyon
  • Boses + palaka = Sintunado
  • Takip + silim = Takip-silim
  • Buhay + dagat = Buhay-dagat

45 na Halimbawa ng Tambalang Salita at ang Kanilang Kahulugan

  1. Agaw-eksena – madaling makaagaw ng pansin o atensyon
  2. Akyat-bahay – magnanakaw
  3. Kapit-bisig – magtulong tulong
  4. Kapitbahay – kalapit na bahay
  5. Punongguro – pinuno ng isang paaralan
  6. Luskong tinik – isang laro ng mga Pilipino
  7. Lakad-pagong – mabagal maglakad o kumilos
  8. Boses palaka – sintunado
  9. Hawak-kamay – magkahawak ang kamay ng dalawang tao
  10. Bahaykubo – bahay na gawa sa nipa
  11. Urong-sulong – di sigurado sa gagawin na hakbang
  12. Silid-aralan – isang silid sa loob ng paaralan
  13. Silid-tulugan – kwarto. silid kung saan natutulog.
  14. Hating-gabi – kalagitnaan ng gabi
  15. Tabing-ilog – malapit sa ilog
  16. Tabing-dagat – malapit sa dagat
  17. Nakaw-tingin – tumingin ng patago o ng palihim
  18. Ingat-yaman – taong nagtatago ng pondo o pera ng isang grupo
  19. Balat-sibuyas – iyakin
  20. Sirang-plaka – paulit-ulit ang sinasabi
  21. Hampas-lupa- mahirap
  22. Dalagang-bukid – isang uri ng isda
  23. Ningas-kugon – sa una lang magaling
  24. Hanapbuhay – trabaho
  25. Pusong-mamon – mabuting puso o mabuting kalooban
  26. Tengang-kawali – nagbibingi-bingihan
  27. Bungang-kahoy – produkto ng halaman o puno na namumunga
  28. Bahaghari – makulay na arko sa makikita sa kalangitan. Karaniwang lumalabas pagkatapos ng ulan
  29. Basang sisiw- basang-basa
  30. Bukang-liwayway – maguumaga
  31. Likas-yaman – yaman na nanggagaling sa ating kalikasan
  32. Tanghaling tapat – tanghali
  33. Agaw-buhay – naghihingalo
  34. Bagong-buhay – panibagong simula
  35. Buhay-isla – nakatira o namumuhay sa isang isla
  36. Buhay-binata – walang asawa
  37. Pook-takbuhay – playground. kung saan naglalaro ang mga bata
  38. Pook-aklatan – bilihan ng mga libro
  39. Anak mayaman – pinanganak na mayaman
  40. Anak-anakan – ampon
  41. Anak-pawis – mahirap
  42. Dugong bughaw – mayaman
  43. Kulay-dugo – pula
  44. Kutis-artista – makinis at maputing kutis
  45. Hingal-aso – hingal na hingal
tambalang salita at mga halimbawa nito

Paano gamitin sa pangungusap ang mga tambalang salita

Narito naman ang mga pangungusap kung saan ginamit nating ang mga tambalang salita.

  1. Siya ang agaw-eksena sa party kanina dahil sa kanyang magaling na pakikipag-usap.
  2. Para siyang akyat-bahay, alam niya kung paano manakaw ang atensyon ng mga tao.
  3. Kapit-bisig silang magkakaibigan upang matapos ang proyekto sa oras.
  4. Masayahin ang aking kapitbahay na si Rolando.
  5. Si Ginoong Ramos ang aming punongguro sa loob ng labing-anim na taon.
  6. Mahusay si Arnold maglaro ng luskong tinik.
  7. Ang aking Lolo Jose ay matanda na, kaya siya ay lakad-pagong na.
  8. Parang awa mo na, wag mo ako pakantahin! Nakakahiya ang aking boses palaka.
  9. Hawak-kamay silang dalawa habang naglalakad sa park.
  10. Sa probinsya, ang bahaykubo ay isa sa mga bahay na madalas nating nakikita.

Mga Uri ng Tambalang Salita

Mayroon tayong dalawang uri ng tambalang salita. Ito ay ang mga sumusunod:

  1. Tambalang salita na nananatili ang kahulugan ng dalawang salita na pinagtambal.

    Halimbawa: kapitbahay (kalapit bahay), bahaykubo (bahay na kubo o nipa) at hating-gabi (kalagitnaan ng gabi)
  2. Tambalang salita na naiiba ang taglay na kahulugan at nagkakaroon ng bagong kahulugan.

    Halimbawa: hampas-lupa (mahirap), hanapbuhay (trabaho), at punongguro (pinuno ng paaralan)

Ang Kahalagahan ng Tamang Paggamit ng mga Tambalang Salita

Ang tamang paggamit ng mga tambalang salita ay mahalaga sa pagpapalawak ng kaalaman sa wikang Filipino.

Kapag tama ang paggamit ng tambalang salita, nagiging malinaw at tiyak ang mensahe na nais iparating sa iyong kausap o mambabasa.

Bukod pa dito, nakatutulong ito sa pagpapakita ng tamang gramatika at pagbuo ng mga pangungusap sa ginagawa mong sanaysay o maikling kwento. Sa pamamagitan ng tamang paggamit ng mga tambalang salita, naipapakita mo ang iyong kahusayan sa pagsasalita at pagsulat.

Isa rin itong paraan ng pagpapakita ng respeto sa wikang Filipino dahil nagpapakita ito ng pagmamahal at pagpapahalaga sa ating wika.

Konklusyon

Sa pagtatapos, ang tambalang salita o mga salitang may tambalan ay nabubuo sa pamamagitan ng pagsasama ng dalawang simpleng salita upang makabuo ng bagong salita na may bagong kahulugan.

Ang listahan ng apatnapu-limang (45) halimbawa ng tambalang salita na may kahulugan ay ginawa namin para makatulong sa iyong homework o pagre-research. At umaasa kami na dahil sa artikulo namin na to, ay mas lumawak ang inyong kaalaman sa ating wikang Filipino.

Hanggang sa muli, mga kaibigan!