Sampaguita Lyrics – Folk Song

Sampaguita Lyrics – Filipino Folk Song

Sampaguita ng aming lipi
Bulaklak na sakdal ng yumi
Ikaw ang mutyang pinili
na sagisag ng aming lahi


Ang kulay mong binusilak
Ay diwa ng aming pangarap
Ang iyong bango’t halimuyak
Sa tuwina’y aming nilalanghap

Oh bulaklak na nagbibigay ligaya,
Oh paraluman mutyang sampaguita
Larawan mo giliw ang mga dalaga
Ikaw ang tanging bituin


Hiraman ng kanilang ganda
Habang nag-iisa sinasariwa sa alaala
Ang sampaguita ng pagsinta
sa puso ko’y di na malalanta

Sampaguita by Levi Celerio

Lyrics by

The lyrics were translated from Spanish into Tagalog by the Filipino National Artist Levi Celerio.