Pambansang Hiyas – Ano nga ba ito?
Kamusta? Sa araw na ito ay tatalakayin natin ang tungkol sa isang natatanging bagay na tinatawag na “Ang Pambansang Hiyas.” Ano nga ba ito at san ito nagmula? Halika, basahin natin.
Ano ang pambansang hiyas ng Pilipinas?
Ang perlas ang ating pambansang hiyas. Ito ay karaniwang hugis bilog at may kulay na puti o ginto. Idineklara ito na pambansang hiyas ni Pangulong Fidel V. Ramos noong 1996 sa pamamagitan ng Proklamasyon Blg. 905.
Isa rin ito sa mga pambansang simbolo ng Pilipinas.
Alam nyo ba na ang Pilipinas ang isa sa mga lider pagdating sa kalakalan ng perlas? At dito rin sa atin makikita ang tatlong pinakamalalaking perlas sa buong mundo:
- The Pearl of Lao Tzu
- Palawan Princess
- The Pearl of Puerto Princesa (2016
Ang galing diba? Kaya dapat lang na maging proud tayong mga Pilipino!
Bakit perlas ang pambansang hiyas ng Pilipinas?
Ang “perlas” ay kinilala bilang pambansang hiyas ng Pilipinas dahil sa iba’t ibang mga kadahilanan.
- Una, ang Pilipinas ay kilala bilang isa sa mga pinakamalalaking pinanggagalingan ng perlas sa mundo. Ang mga perlas na likha sa mga dagat ng Pilipinas ay matatagpuan sa iba’t ibang mga rehiyon tulad ng Palawan, Visayas, at Mindanao.
- Ang mga South Sea pearls ng Pilipinas ay isa sa pinakamalalaking at pinakamahalagang uri ng perlas na nalilikha sa pamamaraang kultiba. Ito may laki na mula 9 hanggang 20 mm.
- Ang perlas ay may malalim na ugnayan sa kasaysayan at kultura ng bansa. Noong panahon ng mga ninuno natin, ang mga perlas ay ginagamit bilang kalakal at palitan para sa mga pangunahing pangangailangan.
- Ang mga perlas ay itinuturing na simbolo ng yaman at kahalagahan. Maaari rin itong mabanggit sa mga tula, awit, at kuwento bilang isang marka ng pagkabansa at kagandahan ng Pilipinas.
- Ito rin ay kadalasang itinuturing na sagisag ng kalinisan, pagka-inosente, at kagandahan.
Sa mga lokal na pearl farm sa Pilipinas nakukuha ang mga perlas. Ang mga ito ay mula sa oyster na tinatawag na pinctada maxima.
Sadya naman talagang maganda ang perlas at ang presyo nito ay hindi biro. Kaya sa tingin namin na ito ay karapat-dapat sa kanyang titulo bilang isang pambansang hiyas ng Pilipinas.
Pambansang hiyas in english
Our national gem is the Philippine pearl also known as South Sea Pearl.
Eliza is an educator, blogger, and former university teacher. She also loves to run and has an active lifestyle. She writes about education and her experiences getting into shape, and living a healthy lifestyle.