Mga Kasuotang Damit Pang Tag-Init at Tag-ulan
Ngayon naman ay pag-aaralan natin ang mga kasuotang damit tuwing sasapit ang panahon ng tag-init at tag-ulan. Sa panahon ng tag-init o tag-ulan, mahalagang piliin natin ang tamang kasuotan upang maging komportable tayo.
Mga Damit Pang Tag-Init
Ang mga damit na pang tag-init o tag-araw ay yung mga kasuotan na maninipis, maiiksi at presko sa pakiramdam. Naiiba ito sa mga damit na pang okasyon, dahil ang mga dami na ito ay pwedeng pwede mo isuot araw-araw.
Dito sa atin sa Pilipinas, lubhang napakainit tuwing tag-init o summer, kaya naman importante na tayo ay magsuot ng mga komportableng damit. Maganda rin na magsuot tayo ng maiiksi at mga light-colored na damit o yung mga damit na simple lang tulad ng puti o gray.
Nirerekomenda namin na magsuot ng mga sumusunod para mas presko ang pakiramdam:
- shorts
- palda
- sando
- blusa (blouse)
- puting t-shirt
Iba pang mga kagamitan pang tag-init o tag-araw
Mahalaga rin na mabawasan natin ang epekto ng init na dala ng sinag ng araw kaya maganda rin na gumamit ng payong o sumbrero para di tayo mainitin kapag tayo ay nasa labas. Magandang ideya rin na gumamit ng shades para maprotektahan ang ating mga mata laban sa UV rays.
Mga Damit Pang Tag-Ulan
Ang mga damit tag-ulan naman ay kadalasang makakapal, mahahaba at mabibigat. Ito ay nagbibigay ng proteksyon laban sa ulan at lamig. May waterproof na katangian din ang ilan sa mga ito.
Mahirap talaga lumabas kapag malakas ang ulan at maaring tumagal ng limang buwan ang panahon ng tag-ulan. Upang tayo ay makaiwas na mabasa o magkasakit kapag tayo ay sasabak sa ulanan, maaring magsuot ng mga ito:
- kapote o raincoat
- jacket
- sweater
- hoodie
Kung ikaw naman ay nasa loob ng inyong bahay lamang, pwedeng magsuot ng pajama o mga makakapal na damit para hindi ka ginawin. Pwede ka rin gumamit ng kumot o blanket.
Mabisa ang pagsusuot ng kapote para hindi tayo mabasa ng ulan. Ang hoodie naman at jacket ay makakatulong upang hindi tayo ginawin kapag tayo ay nasa ulanan.
Iba pang mga kagamitan pang tag-ulan o tag-lamig
Ang payong ay mabisa hindi lang pang proteksyon laban sa sinag ni haring araw, kundi na rin bilang panangga ng ulan. Ugaliin din nating magsuot ng bota para di pasukin ng tubig ang ating mga paa at proteksyon na rin sa baha.
Nakakatulong din ang bota para maiwasan natin ang Leptospirosis na kadalasang nakukuha sa baha.
Mga iba pang katanungan
- Saan maaaring makabili ng mga kasuotan pang-tag-init at tag-ulan?
Maaaring makabili ng mga kasuotan pang-tag-init at tag-ulan sa mga tindahan ng mga damit at sapatos, malalaking mall, o online shopping platforms tulad ng Lazada at Shopee. Mahalaga ring tingnan ang mga lokal na tindahan na nag-aalok ng mga lokal na produkto na angkop para sa klima ng ating bansa. - Paano malalaman kung ang isang kasuotan ay pang-tag-init o pang-tag-ulan?
Maaaring malaman kung ang isang kasuotan ay pang-tag-init o pang-tag-ulan sa pamamagitan ng mga materyales na ginamit at disenyo nito. Karaniwang ginagamit sa tag-init ang mga malalamig na tela tulad ng cotton.
Kapag tag-ulan naman, mahalaga ang mga tela na nagbibigay ng kahalumigmigan at proteksyon tulad ng polyester, nylon, o yung mga tela na may waterproof na katangian.
Pangwakas
Mahalagang bigyang-diin ang kahalagahan na malaman natin ang tamang kasuotan sa panahon ng tag-init at tag-ulan. Ang pagpili ng tamang kasuotan ay hindi lamang tungkol sa estilo at panlabas na anyo, kundi higit sa lahat, ito ay tungkol sa ating kaginhawaan at kaligtasan.
Eliza is an educator, blogger, and former university teacher. She also loves to run and has an active lifestyle. She writes about education and her experiences getting into shape, and living a healthy lifestyle.