Sabaok Meaning in Tagalog

Ano nga ba ang meaning o kahulugan ng sabaok? Saang wika nga ba nanggaling ito?

Sa totoo lang ang salitang sabaok ay isang typographical error ng “sanaol”. Ang “sanaol” ay isang popular na tagalog slang mula sa salitang taglish na “sana all”.

Sana – I wish. Ito ay salitang nagpapahiwatig sa bagay o mga bagay na gusto mo magkatotoo o matupad.

All – lahat. Ito ay ginagamit upang tumukoy sa kabuuan ng dami o saklaw ng isang partikular na pangkat o bagay.

Ang gusto talaga natin isulat o i-type sa keyboard ay “sanaol” pero dahil sa pagmamadali natin kaya sa halip na ito ang mai-type, ang nata-type natin ay “sabaok”.

Ano naman ang ibig sabihin ng sanaol o sana all? Ito ay sinasabi kapag ang isang tao ay nakatanggap o may nagawang maganda at ikaw ay napahanga.

Pinapahiwatig nito na sana lahat tayo ay makaranas ng magandang nangyari na naranasan ng kausap natin. Kaya napapa-sanaol tayo.

Ito ay karaniwang sinasabi na may tonong tuwa o pagkagalak.

Mga Halimbawa:

Ate: Binilhan ako ng boyfriend ko ng bagong Rolex na relo bilang regalo sa birthday ko.

Ikaw: Talaga? Sanaol!


Ikaw: Nag-aral ako ng mabuti kaya nakakuha ako ng perfect score sa test kanina.

Kaibigan mo: Sanaol!

Bakit madalas magkamali sa pagta-type nito?

sabaok - phone keyboard

Kung papansinin nyo sa larawan sa itaas, madali lang talaga magkamali kapag magttype ka ng sanaol. Ang letrang “b” kasi ay katabi ng letrang “n”, kaya ang nata-type ay “saba” sa halip na “sana”.

Habang ang letrang “k” naman ay katabi ng letrang “l”. Kaya ang lumalabas ay “ok” sa halip na “ol”.

Mata-type mo talaga ang salitang sabaok lalo na kung ikaw ay nagmamadali.

Iba pang posibleng kahulugan ng sabaok

Narito pa ang ibang posibleng kahulugan ng sabaok.

  1. Sabaok – Ang “saba” ay may kahulugang “tahimik” o “tumahimik” sa bisaya. At ang “ok” naman ay “okay” sa salitang ingles. Napagdugtong lang ito kaya naging sabaok.
  2. Oks ba? – Tayong mga Pinoy ay kilala sa pagpapabali-baligtad ng mga salita tulad ng, omsim, lodi, at longkatuts. Kaya akala ng iba na ang sabaok ay binaligtad lang na “oks ba”.