Niece in Tagalog – Ano ito, kahulugan at halimbawa
Ang salitang niece sa Tagalog ay pamangkin na babae.

Ano ang kahulugan nito
Ang niece o pamangkin na babae ay ang anak na babae ng iyong kapatid o ng asawa nya. Kahit hindi mo siya direktang kadugo ay pwede mo siyang tawagin na pamangkin.
Sa mas simpleng paliwanag, kung mayroon kang kapatid na babae o lalaki, ang kanilang anak na babae ay ang iyong pamangkin na babae.
At alam nyo ba na ang salitang niece ay maraming pinagmulan. Ilan sa mga ito ay ang mga sumusunod:
- Mula sa Middle Ingles na “nece”
- Mula sa modernong Pranses na “nièce”
- Mula sa Late Latin na “neptia”, na kumakatawan sa Latin na “neptis”
Plural ng niece
Ang plural form ng niece ay nieces. (Mga pamangkin na babae.)
Synonyms
Nift – mula sa Old English na wika.
Hindi na ginagamit sa ngayon ang salita na ito. Kumbaga, ito ay obsolete na at nalimutan na ng karamihan.
Opposite o kabaligtaran ng niece
Ang opposite o kabaligtaran ng niece ay nephew (pamangkin na lalake.)
Paano gamitin ang pamangkin na babae sa pangungusap. (How to use niece in a sentence)
- Ang pamangkin kong babae ay magtatapos ng kolehiyo ngayong taon.
(My niece will graduate from college this year.) - Hindi ko pa nakikita ang mga pamangkin kong babae sa probinsiya.
(I haven’t seen my nieces in the province yet.) - Binigyan ko ng regalo ang pamangkin kong babae sa kanyang kaarawan.
(I gave my niece a gift on her birthday.) - Umuwi ang pamangkin kong babae mula sa Amerika para bisitahin kami. (My niece came home from America to visit us.)
- Mahusay umawit ang pamangkin kong babae.
(My niece sings well.)

Eliza is an educator, blogger, and former university teacher. She also loves to run and has an active lifestyle. She writes about education and her experiences getting into shape, and living a healthy lifestyle.