Ng at Nang [2023]: Pagkakaiba at Paano Sila Gamitin ng Tama

Sa wikang Filipino, may dalawang salitang magkapareho ang bigkas, subalit magkaiba ang baybay at kahulugan – ang “ng” at “nang.” Ang dalawang salitang ito ay mahalaga sa pagsasalita at pagsulat sa Filipino dahil maaari silang magdulot ng pagkakaiba sa kahulugan ng isang pangungusap.

Ano nga ba ang “ng” at “nang” at ano ang pinagkaiba nila sa isa’t-isa? Halika, talakayin natin ngayon!

Pagkakaiba ng Ng at Nang

Ano ang “ng”

Ang salitang “ng” ay ang eksaktong katumbas ng preposisyon sa Ingles na ‘of.’ Ito ay ginagamit bilang pang-ugnay ng dalawang salita. Ginagamit din ang ‘ng’ upang mag-ugnay ng pandiwa sa kanyang layon o bagay.

Ang “ng” ay ginagamit kapag sinusundan ng pangngalan (noun) o panghalip (pronoun). Sinasagot din nito ang tanong na ano, sino, kanino at kailan. O kaya ay mga tanong na tungkol sa pagmamay-ari o tungkol sa oras at petsa.

Pwede rin gamiting ang “ng” bago mo sabihin o isulat ang isang panguri o panguring pamilang.

Ano ang “nang”

Sa kabilang banda, ginagamit ang salitang “nang” kapag sinusundan ng pang-abay na pamaraan at pang-abay na panggaano.

Sinasagot nito ang tanong na paano at gaano.

Ginagamit din ito kapag umuulit ang kilos. Ang salitang “nang” ay kasing kahulugan din ng salitang “noong”. At pwede rin itong ipalit sa mga salitang “para” at “upang”.

Ginagamit din ang “nang” katumbas ang pinagsamang mga salitang “na” at “ang”.

Medyo maraming rules o tiyak na tuntunin ang paggamit ng “nang” pero wag ka mag-alala, madali lang naman makabisado ang mga yan.

Mga Halimbawa at wastong paggamit ng “Ng”

Gaya ng sabi ko kanina, ang salitang “ng” ay pwedeng gamitin kapag sinusundan ng pangngalan at panghalip. O di kaya’y gamitin ito bago ang isang panguri.

Sinagot din nito ang mga tanong na: Ano, Sino, Kailan, at Kanino.

Narito ang ilang halimbawa ng wastong paggamit ng salitang “ng”.

1. Kapag sinasagot ang tanong na Ano

Halimbawa: Binili ko ang bagong cellphone ng Samsung.

Kung mapapansin nyo ang pangungusap sa itaas, ginamit natin ang “ng” bago ang salitang “Samsung” dahil ang salitang “Samsung” ay isang pangglan. Sinasagot din nito ang tanong na “Ano ang binili mo kanina?”

2. Kapag sinasagot ang tanong na Sino

Halimbawa: Kinuha ng pusa ang pagkain sa lamesa.

Sinasagot nito ang tanong na “Sino ang kumuha ng pagkain sa lamesa?”

3. Kapag sinasagot ang tanong na Kailan

Halimbawa: Pumunta ako ng tanghali ng SM North.

Sinasagot naman nito ang tanong na “Kailan ka pumunta sa SM North?

4. Kapag tungkol sa pagmamay-ari

Halimbawa: Ang ganda ng kulay ng payong ng tita mo.

5. Kapag sinasagot ang tanong na Kanino

Halimbawa: Naiwan ng kaibigan ko ang kanyang sumbrero.

Sinasagot nito ang tanong na “Kaninong sumbrero ba ito?”

Mga Halimbawa at wastong paggamit ng “Nang”

Narito naman ang mga halimbawa at wastong paggamit ng salitang “nang”.

1. Kapag sinasagot ang tanong na “paano” at “gaano”. At kapag sinusundan ng pang-abay na pamaraan at panggaano.

Halimbawa: Tumakbo si Mario nang sobrang tulin.

Tumagal nang isang oras ang meeting sa school kanina.

2. Ginagamit ang “nang” na katumbas ng salitang “noong”.

Halimbawa: Umaga na nang ako’y nakauwi mula sa pyesta.

Sinasagot nito ang tanong na “kailan ka nakauwi galing sa pyestahan?”

3. Kapag umuulit ang kilos.

Halimbawa: Takbo ka naman nang takbo, Tirso.

4. Katumbas ng salitang “para” o “upang”.

Halimbawa: Lutuin mo ng mabuti ang pritong manok nang makain na.

5. Ginagamit ang “nang” katumbas ang pinagsamang “na” at “ang”.

Halimbawa: Sobra nang (na ang) init ngayong summer.

Ilang tips namin para sayo

teacher's table with apple books and pencils

Heto ang ilang tips naman para mas madali mo maintindihan at di ka masyado magkamali kapag ginagamit mo ang salitang ng at nang.

Isaulo mo lang ang mga bagay na ito at tiyak hindi ka na malilito o magkakamali sa paggamit ng mga salitang ng at nang.

NG

  1. Sumasagot sa tanong na ano, sino at kailan.
  2. Ginagamit kapag may pagmamay-ari.

NANG

  1. Sumasagot na tanong na paano at gaano.
  2. Kapag umuulit ang kilos.
  3. Katumbas ng salitang “noong”.
  4. Pwedeng ipalit sa mga salitang “upang” at “para”.

Konklusyon

O diba sabi ko sa inyo, madali lang naman sila intindihin at gamitin. Basta lagi ka lang magsanay maging sa pagbasa o pagsulat man. Sana ay nakatulong itong artikulo na isinulat namin para sa inyo.