Pang-abay: Mga Halimbawa at Tamang Paggamit Ngayong 2024

Sa totoo lang medyo marami rami ang mga halimbawa ng pang-abay at marami itong klase. Pero wag ka mag-alala, madali mo lang naman matututunan ang mga ito! Halika, basahin natin ang mga halimbawa na naisulat namin. Malaya ka na kopyahin at gamitin ang mga ito.

Halimbawa ng pang-abay infographic

Table of Contents

Ano ang pang-abay o adverb sa ingles

Ang pang-abay ay isa sa mga bahagi ng pananalita sa wikang Tagalog na ginagamit upang magbigay turing o naglalarawan sa pandiwa, pang-uri, o kapwa pang-abay. Ginagamit ito upang magdagdag ng kaalaman tungkol sa salita at mapabuti ang kahulugan ng pangungusap.

Halimbawa:

  1. Si Angel ay ayaw kumain ng gulay kaya siya naging sakitin.
  2. Ang aso ko ay gusto rin kumain ng prutas.
  3. Opo, makakaasa kayo na magaaral ako ng mabuti.
  4. Tumagal ng isang oras ang meeting kanina.
  5. Nagdadasal kami tuwing gabi.

Madali lang kilalanin ang mga pang-abay sa mga pangungusap na ito.

Mga Halimbawa ng pang-abay

Ang mga pang-abay ay nagpapaganda ng mga pangungusap at nagbibigay ng karagdagang detalye upang maging mas malinaw, mas detalyado, at mas kapana-panabik ang iyong pagsusulat. Narito ang ilang halimbawa ng mga pang-abay na maaaring magamit sa mga pangungusap:

Halimbawa ng mga Pang-abay na Pamanahon – Kung Kailan Naganap o Magaganap ang Isang Kilos

May tatlong klase ang pang-abay na pamanahon: nagsasaad ng dalas, may pananda at walang pananda.

Nagsasaad ng dalas:

  1. Nagdadasal ako araw-araw
  2. Tuwing tanghali kami naglilinis ng bahay.
  3. Oras-oras kong inaabangan ang nagtitinda ng taho sa umaga.
  4. Pinagdiriwang namin ang Pasko taon-taon.
  5. Tuwing abril ay nagpupunta kami sa aming mga lola sa probinsya.

May pananda:

  1. Tuwing bagong taon ay nagsasama sama kaming buong pamilya.
  2. Magkakatrabaho na ako simula bukas.
  3. Magtatanim ako ng kamote sa aming maliit na hardin.
  4. Kapag umuulan ay naglalaro kami sa labas.
  5. Hanggang gabi siya nanonood ng tv.

Walang pananda:

  1. Manonood kami bukas ng basketball sa may kanto.
  2. Mamaya ay magsasaing na ako.
  3. Tuwing sabado kami nagpupunta sa mall para magshopping.
  4. Ngayon ay kailangan ko na gawin ang aking homework.
  5. Si Layla ay kanina pa hinahanap ang kanyang aso na si Benneth.

Halimbawa ng Pang-abay na Pamaraan – Sumasagot ito sa tanong na Paano

  1. Siya ay naglalakad nang dahan-dahan.
  2. Si Angie at Emma ay tumakbo nang mabilis upang sumakay ng bus.
  3. Hininto ni Karl ng biglaan biglaan ang kotse.
  4. Ang aking lolo ay ngumiti nang sobrang masaya.
  5. Si Eric ay nagsalita nang may lakas ng loob sa harap ng napakaraming mga manonood.
  6. Si Sarah ay nagaaral nang mabuti para makakuha ng mataas na grado.
  7. Nagpaalam si Madel sa akin na tuwang-tuwa.

Kung mapapansin nyo, ang mga panandang nang, na, o na/ng ay laging ginagamit dito.

papel at mga panulat

Halimbawa ng Pang-abay na Kataga o Ingklitik – Mga maliliit na salitang isinisingit para mas luminaw ang isang diwa

  1. Maganda naman ang panahon ngayon.
  2. Bumili lang ako ng konting gulay sa palengke.
  3. Papunta pa lang ako sa opisina.
  4. Tumakbo ka ba kanina? Tumakbo din ako.
  5. Gusto mo ng kape? Ako rin.
  6. Mabagal daw yung takbo ng trapiko sabi sa balita kanina.
  7. Nagbasa ka pala ng mabuti kaya ka nakakuha ng mataas na grado.
  8. Kumain muna si Jose bago pumasok sa trabaho.
  9. Hindi yata kaya ni tatay buhatin ang lamesa mag-isa.
  10. Ano nga ba ang kahulugan ng pag-ibig?
  11. Sana pala ay pumasok na lang ako kaysa sa naglakwatsa.
  12. Kung ako man ang tatanugin, hindi ko rin siya pagkakatiwalaan ng husto.

Halimbawa ng Pang-abay na Panlunan – Sumasagot ito sa tanong na Saan

Ang pang-abay na panlunan ay nagbibigay ng impormasyon tungkol sa lugar kung saan ginaganap ang kilos o pangyayari. Gumagamit ito ng pariralang “Sa”, “Kina”, o “Kay”.

  1. Kina Juan at Maria ko ipinahiram ang aking libro.
  2. Kay Tatay ako natutong magluto ng adobo.
  3. Sa kalagitnaan ng kalye, may nakitang pera si Anna.
  4. Kina Pedro at Luisa ko narinig ang balita tungkol sa bagong project.
  5. Naglakad si Maria sa parke kaninang umaga.
  6. Kumain kami ng hapunan sa bahay ni John.
  7. Nagsimula na ang palabas sa loob ng sinehan.
  8. Sa tabi ng ilog nagpapahinga ang magsasaka.
  9. Sa tuktok ng bundok ay may magandang tanawin.
  10. Nagsabi ako kina Jose at Luis na ako ay aalis muna.
  11. Nagpaluto ako kay ate ng meryenda.
  12. Doon ako nagpunta sa library kaninang lunch break.
  13. Makikipagusap ako kay Ley mamaya doon sa mall.
  14. Kina Joan at Edith ko nalaman ang magandang balita.

Halimbawa ng Pang-abay na Panggaano o pampanukat- Nagsasaad ng sukat, timbang o bigat. Sumasagot ito sa tanong na Gaano o Magkano

  1. Tatlong kilo ang bigat ng bagong bili kong bigas.
  2. Isang metro ang haba ng kurtina sa aking silid.
  3. Limang litro ang laman ng tangke ng aking sasakyan.
  4. Dalawang talampakan ang lapad ng aming kama.
  5. Si Joaquin ay bumigat ng dalawang kilo.
  6. Inabot ng isang oras ang diskusyon kanina.
  7. Kalahating araw sya nag-abang sa ng masasakyang jeep dahil sa strike.
  8. Isang kilo ng karne ang kailangan ko para sa lulutuin kong sinigang ngayong gabi.
estudyante

Halimbawa ng Pang-abay na Pang-agam – Ito ay nagbabadya ng hindi o kawalan ng katiyakan sa pagganap sa kilos ng pandiwa

  1. Marahil ay maganda ang panahon bukas.
  2. Siguro ay nakarating na sila sa kanilang destinasyon.
  3. Baka hindi matuloy ang lakad natin sa Sabado.
  4. Malamang na hindi na magpapakita sa akin si Juan.
  5. Posibleng matatapos ko na itong proyekto ngayong linggo.
  6. Tila ba may galit sa akin ang boss ko dahil hindi ako nakapagpasa ng report.
  7. Hindi na kami tutuloy pumunta sa parke baka kasi umulan ng malakas.
  8. Marami na marahil ang nakakaalam tungkol sa iyong sikreto, Maria.
  9. Mas maganda siguro na tayo ay magkabati nalang kaysa sa mag-away.

Halimbawa ng Pang-abay na Panang-ayon – Ito ay nagsasaad ng pagsang-ayon

  1. Syempre, ibibili kita ng bago mong damit sa kaarawan mo.
  2. Oo nga, tama ang sinabi mo tungkol sa mga benepisyo ng ehersisyo.
  3. Sadyang maganda ang napili mong kulay para sa pinto ng banyo.
  4. Tunay na masarap ang ulam na niluto mo kanina.
  5. Talagang ang galing ng performance ni Sarah Geronimo sa kanyang concert.
  6. Oo, tumpak ang sagot mo sa tanong na iyon.
  7. Syempre, maganda ang ideya mong magbakasyon sa probinsiya.
  8. Sadyang mahusay ang kinalabasan ng proyekto natin sa klase.
  9. Tunay na natutuwa ako sa pagiging masinop mo sa iyong mga gamit.
  10. Talaga namang napakaganda ng boses niyo ni ate sa pag-awit ng kanta.

Halimbawa ng Pang-abay na Pananggi – Ito ay nagsasaad ng pagtutol o pagtanggi

  1. Hindi ko gustong kumain ng matatamis na kendi.
  2. Ayaw ni Juan sa sports kaya hindi siya sumali sa basketball team ng school.
  3. Masama ang pakiramdam ko kaya di ako makakapunta sa party mamaya.
  4. Ayaw ng aso ko na maligo sa banyo.
  5. Di ako interesado sa bagong game na inilabas nila sa cellphone.
  6. Ang lasa ng ampalaya ay mapait kaya hindi ito gusto ng anak ko.
  7. Kahit nakakatakot, ayaw pa rin tigilan ni Arnold manood ng horror movies.
  8. Di ako sang-ayon sa nais mong tahakin na landas.
puting papel at lapis

Halimbawa ng Pang- abay na Benepaktibo – Ito ay nagsasaad ng benepisyo para sa isang tao

  1. Bibili ako ng regalo para sa kaarawan ni Ana.
  2. Nag-aaral ako para sa darating na pagsusulit sa kolehiyo.
  3. Nag-eexercise ako araw-araw para sa kalusugan ko.
  4. Nagbabasa ako ng libro para sa kaalaman ko.
  5. Nagbigay ng donasyon si Mayor para sa mga mahihirap naming kababayan.
  6. Gumawa ng masarap na okoy si Ate Nena para sa kanyang mga anak.

Halimbawa ng Pang- abay na Kusatibo – Nagsasaad ng dahilan ng pangganap sa kilos ng pandiwa

  1. Dahil sa sobrang traffic, na-late ako sa meeting kaninang umaga.
  2. Sa totoo lang, hindi ako nakapagtrabaho nang maayos kahapon dahil sa lakas ng ulan.
  3. Dahil sa pagkain ng masyadong matatamis na pagkain, bumaba ang resistensya ng katawan ko.
  4. Masaya ang birthday party ni Maria kahapon dahil sa dami ng mga bisita.
  5. Dahil sa kakulangan ng pondo, hindi natuloy ang plano namin na mag-out of town trip.
  6. Nakapasa ako sa exam dahil sa masigasig kong pag-aaral.
  7. Dahil sa mga problema sa pamilya, hindi nakapag-focus si Miguel sa kanyang pag-aaral.

Halimbawa ng Pang- abay na Kondisyonal – Nagsasaad ng kondisyon para maganap ang kilos na isinasaad ng pandiwa

  1. Kung hindi ka pumunta sa party, mag-iisa ka lang mamaya.
  2. Kapag natapos mo na ang iyong assignment, pwede ka na maglaro.
  3. Pag umuulan, dapat ka ng magdala ng payong.
  4. Dapat ay magpahinga ka kapag ikaw ay pagod na.
  5. Gusto ko nang magbakasyon sa beach kung may pera lang ako.
  6. Pagka masama ang panahon bukas, hindi tayo makakapaglaro ng basketball sa labas.
  7. Kapag hindi ka marunong magluto ng adobo, turuan kita.
  8. Pagka nakuha mo na ang lisensya mo sa pagmamaneho, pwede ka na mag-drive ng sarili mong kotse.

Halimbawa ng Pang- abay na Panulad – Ginagamit ito sa paghahalintulad ng dalawa o higit pang mga bagay

  1. Mas maganda ang bagong modelo ng kotse kaysa sa lumang modelo.
  2. Higit na mas mahusay lumangoy si John kaysa sa akin.
  3. Di hamak na masarap ang pagkain sa restawran na ito kaysa sa fastfood.
  4. Mahina ako sa matematika di gaya ng kapatid ko na si Ela.
  5. Mas labis na mahal kita kaysa sa aking paglalaro ng computer games.
  6. Di gaano kaganda ang panahon ngayon kumpara sa kahapon.
mga libro

Halimbawa ng Pang- abay na na Pamitagan – Ito nagsasaad ng paggalang

  1. Opo, darating ako sa oras na sinabi mo.
  2. Pasintabi lang po sa mga kumakain?
  3. Maaari ba akong umalis ng maaga sa trabaho?
  4. Hindi ko ho maalala kung anong oras umalis si Kuya kanina.
  5. Oho, naintindihan ko po ang sinabi ninyo.
  6. Mawalang-galang sa inyo, pwede ko na bang kunin ang bayad nyo?
  7. Pasintabi sa inyo, hindi ko muna kayo matutulungan ngayon dahil may kailangan akong asikasuhin.
  8. Sana po ay sinabi ninyo ng mas maaga para naaksyunan agad namin.
  9. Alam ko ho na mali ang anak ko, kaya sana ay mapatawad ninyo siya.
  10. Konsehal, maaari bang magtinda kami dito ng mga prutas at gulay?

Halimbawa ng Pang- abay na Pangkaukulan

  1. Magkakaroon ng meeting mamaya tungkol sa pagbabago ng oras ng klase.
  2. Hinggil sa isyu ng kawalan ng trabaho, mayroong aktibidad na gagawin ang lokal na pamahalaan.
  3. Ukol sa kahirapan ng buhay ang programa na inilunsad ng gobyerno.
  4. Tungkol sa kalusugan ang paska natin ngayon.
  5. Ukol sa pagbabago ng sistema ang ng pagpupulong ng mga empleyado.
  6. Hingil sa banta ng kalamidad ang ginagawa naming mga paghahanda ngayon.

Halimbawa ng Pang- abay na Panunuran – Ito ay pang-abay na naglalarawan sa ayos o pagkakasunod-sunod ng kalagayan sa pagsasagawa ng kilos.

  1. Isa-isang dumarating ang mga tao sa simbahan.
  2. Sabay-sabay silang sumigaw sa tuwa ng nanalo ang kanilang koponan sa larong basketbol.
  3. Nauna ng umalis si Marie kanina papunta sa library.
  4. Sako-sakong bigas ang idineliver kanina ni tatay sa bayan.
  5. Buong-buo nyang tinanggap ang kanyang pagkatalo sa eleksyon.

Mga iba pang katanungan

  1. Ano ang pang-abay?
    Ang pang-abay ay bahagi ng pananalita na nagbibigay ng karagdagang kahulugan sa pandiwa, pang-uri, o kapwa pang-abay. Ito ay nagpapakita ng paglalarawan sa paraan ng pagkakaganap ng kilos, kalagayan, oras, lugar, pamamaraan, at iba pa.

  2. Saan ginagamit ang pang-abay?
    Ginagamit ang pang-abay sa pagpapahayag ng mga detalye tungkol sa kilos o pangyayari. Halimbawa, kung saan naganap ang pangyayari, kailan ito nangyari, at kung paano ito naganap.

  3. Ano ang pagkakaiba ng pang-uri at pang-abay?
    Ang pang-uri ay nagbibigay ng katangian sa pangngalan, samantalang ang pang-abay naman ay nagbibigay ng karagdagang kahulugan sa pang-uri, pang-abay, o pandiwa. Sa madaling salita, ang pang-uri ay nagbibigay ng katangian habang ang pang-abay naman ay nagbibigay ng detalye tungkol sa kilos o pangyayari.

  4. Paano maaring maging mahusay sa paggamit ng pang-abay?
    Upang maging mahusay sa paggamit ng pang-abay, dapat maunawaan ang kahulugan at gamit nito sa pangungusap. Dapat ding mag-aral ng mga halimbawa ng mga pang-abay upang mas maintindihan ang kanilang paggamit. Pagkatapos, magandang praktis na gamitin ang mga ito sa pangungusap upang maging natural na ang paggamit nito sa pagsasalita at pagsulat.

  5. Kailan dapat hindi gumamit ng pang-abay?
    Dapat na hindi gumamit ng pang-abay kapag hindi naman ito kinakailangan o hindi naman makatutulong sa wastong pagpapahayag ng mensahe. Halimbawa, kung ang layunin ng pagsasalita ay magbigay ng konkretong impormasyon o detalye, mas mainam na gumamit ng mga pang-uri o pangngalan sa halip na mga pang-abay.