Introvert in Tagalog: Alamin natin! English-Tagalog Online Dictionary

Introvert in Tagalog

Ano nga ba sa tagalog ang salitang ingles na introvert? Walang direktang translation ang salitang ito sa tagalog. Pero, maari mo itong isulat o sabihin na “Introbert”.

Ang opposite o kabaligtaran ng introvert ay extrovert.

tagalog ng introvert infographic

Kahulugan sa Tagalog ng Introvert

Ito ay ang klase ng isang tao na mas pipiliin mapag-isa upang mag-recharge o magmuni-muni. Sila ay mabilis na mapagod kapag nakikipag-interaksyon sa ibang tao. Ngunit, hindi ibig sabihin nito na ayaw nila ng pakikipag-socialize o sila ay mahiyain.

Gusto rin nila makisalamuha sa ibang mga tao, kaibigan o ka-trabaho. Ngunit, ito ay nangangailangan ng kanilang enerhiya at sa huli ay maubos ito at kailangan nilang maglaan ng panahon para mag-isa upang maibalik ito.

Ito ay simpleng paraan para mag-refresh at mag-concentrate sa kanilang lakas o enerhiya. Maaari nilang gawin ito sa pamamagitan ng pagbabasa ng libro, pakikipaglaro sa alagang aso o pusa, pakikining sa radyo, panonood ng tv o Netflix o kaya’y sa pamamagitan ng pagtulog.

Mahalagang maunawaan na ang pagiging introvert ay hindi isang sakit o disorder, kundi isang natatanging bahagi ng personalidad. Ang mga introvert ay may ibang paraan ng pagproseso ng stimuli, at kailangan nila ng sapat na oras sa pag-iisa upang magpakabuti.

Mahalaga na igalang ang kanilang pangangailangan at hindi pwersahin sa mga sitwasyong pangkalahatan na maaaring magdulot ng stress sa kanila.

dalagang gumagamit ng celphone sa loob ng bahay

Mga Katangian ng Isang Introvert

Narito ang ilang mga katanginan ng isang introvert. Pero alalahanin ninyo na, hindi porket na mahiyain ka at ayaw makipag-usap sa ibang tao ay introvert ka na.

  1. Ang isang taong introvert ay mas pipiliin mapag-isa pagkatapos ng isang stressful na araw maging sa bahay, eskwelahan o trabaho man.

  2. Nasisiyahan sa Pag-iisa. Ang mga introvert ay mas nakakapag-enjoy kapag sila lang mag-isa at nagpapahalaga sa mga sandaling nagbibigay daan sa kanyang, lakas, pag-iisip, at personal na paglago.

  3. Mahusay ang mga introvert sa pakikinig at mas pinapakinggan ang sasabihin ng iba bago magbigay ng sagot o umaksyon. Mas gusto nilang magsalita lamang kung mayroon silang mahalagang maidaragdag sa usapan.

  4. Mapili sa Mga Kaibigan. Mas gusto ng mga introvert na magkaroon ng maliit na grupo ng mga malalapit na kaibigan kaysa sa maraming kakilala. Pinahahalagahan nila ang malalim at makabuluhang mga relasyon at inuuna ang kalidad kaysa sa dami.

  5. Karaniwan nang mas pinag-iisipan ng mga introvert ang mga impormasyon at nagsusuri ng maigi bago sila umaksyon. Maaring magmukhang hindi matapang o desidido, ngunit ito ay dahil pinag-iisipan nilang mabuti ang kanilang mga option.

  6. Madalas na napapansin ng mga introvert ang mga bagay na hindi napapansin ng iba at sensitibo sila sa mga detalye sa kanilang paligid.

  7. Mas Gustong Sumulat Kaysa Magsalita. Karaniwang mas gusto ng mga introvert ang sumulat (sa diary, notebook o blog) kaysa magsalita dahil ito ay nagbibigay daan sa kanila upang maipahayag ang kanilang saloobin ng mas malinaw at mas makabuluhan.

I’m an introvert in Tagalog

Ako ay isang introvert.

Introvert vs Extrovert

Isang magandang paraan upang malaman ang pagkakaiba ay sa pamamagitan ng sitwasyon na binigay namin. Simplehan lang natin para mas maintindihan nyo ng mabuti ang pagkakaiba.

Halimbawa:

Kung ikaw ay inimbitahan sa isang simpleng pagsasalo salo sa bahay ng iyong kaibigan isang gabi at sinabi mo na posible kang makapunta pero hindi pa sigurado.

Pero nung araw na iyon, nagkaroon ka ng nakakapagod at stressful na araw sa trabaho. Pakiramdam mo ay nanlalata ka na at walang gana pagkatapos ng iyong pasok sa opisina.

Bilang isang introvert – Masaya sana na makita ang mga kaibigan sa ganitong pagkakataon, ngunit hindi ka handa para dito ngayon. Mas maganda na manatili na lang sa bahay upang mag-pahinga o mag-relax.

Bilang isang extrovert – Nakakapagod na araw ito. Pero mas masaya na makasama ang mga kaibigan sa gabing ito para malimutan ang stress at magtapos ang araw mo na masaya kasama ang mga tropa.