Mga Halimbawa ng Kontemporaryong Isyu – 2023

Narito ang ilang mga halimbawa ng kontemporaryong isyu na nararanasan natin hanggang ngayon. Halika at basahin at unawain natin ang mga ito.

10 Halimbawa ng Kontemporaryong Isyu

  1. Cyber hacking sa Gcash
  2. Pagkasunog ng Manila Central Post Office
  3. Pagtaas ng mga bilihin
  4. Kahirapan
  5. Covid-19
  6. Korapsyon
  7. Droga
  8. Human trafficking
  9. Unemployment o kawalan ng trabaho
  10. Climate change

Sinadyang targetin ng mga cybercriminal ang GCash. Ito ay isang sikat na digital payments app, at sinubukan nilang nakawin ang milyun-milyong piso sa pamamagitan ng paunti-unting pagwi-withdraw. Gayunpaman, nadetect ito ng GCash at napigilan ang mga transaksyon. Tiniyak din nila sa mga gumagamit na ligtas ang kanilang mga pera.

Noong May 22, 2023 ay naganap ang malaking sunog sa makasaysayang Manila Central Post Office sa Pilipinas na nagdulot ng malaking pinsala sa kanyang internal na estruktura. Ang gusaling ito ay may espesyal na kultural at makasaysayang kahalagahan.

Dahil sa pagtaas ng inflation, tumaas na rin ang mga presyo ng mga bilihin ngayon. Ang mga pangunahing bilihin katulad ng bigas, gulay, prutas at karne ay tumaas ng halos 10-30% kumpara sa kanilang dating presyo. Ang dating presyo ng isang dosenang itlog na Php 80, ngayon ay nasa Php 130 na sa mga supermarket.

mga taong namimili sa palengke

Ang kahirapan ang isa sa pinakamatagal ng isyu hindi lang sa Pilipinas kundi na rin sa buong daigdig. Ito rin ang pangunahing ugat kung bakit nakakagawa ng mga masasamang gawain ang mga tao tulad ng nakawan, droga, korapsyon at patayan. Dito sa Pilipinas, tinatayang 14 milyon na pamilya ang tinuturing na mahirap.

Tila ba ang buong mundo’y natigil ng lumabas ang Covid-19. Ito ay naging isang pandemic na lalong nagpahirap sa Pilipinas at sa buong bahagi ng daigdig. Dahil sa Covid-19, maraming tao ang namatay, nagkasakit, nawalan ng trabaho at negosyo. Bagamat ang epekto nito ay humina na sa ngayon, dapat pa rin tayong mag-ingat at magsuot lagi ng face mask tuwing lalabas.

Ang isyu ng korapsyon sa Pilipinas ay isang malaking suliraning kinakaharap ng ating bansa. Ito ay tumutukoy sa hindi wastong paggamit o pagsasamantala ng kapangyarihan at mga pondo ng gobyerno para sa pansariling interes at pakinabang ng ilang indibidwal o grupo. Ang mga proyekto at programa na dapat sana’y mapakinabangan natin ay maaaring maapektuhan dahil sa mga korap na kawani ng gobyerno.

Talamak pa rin ang paggamit at pagbebenta ng droga. Maraming kabataan ang nalulong na dito at sana ay huwag mo sila pamarisan. Kahit na naglunsad noon si Pangulong Duterte ng “drug war” ay hindi pa rin nito napigilan ang paglawak nito. Dahil sa kahirapan maraming tao ang napipilitan magbenta ng droga dahil malaki ang kita nila dito.

droga

Nang dahil din sa kahirapan ang mga bata o menor-de-edad ay napipilitan ng magtrabaho. At dahil dito maraming nabibiktima ng human trafficking.

Ito ay isang anyo ng modernong pagkaalipin kung saan ang mga tao, partikular na mga kababaihan at mga bata, ay inaakit, pinipilit, o nililinlang sa pamamagitan ng pangako ng magandang trabaho o mas magandang buhay. Ngunit sa halip na matupad ang mga pangako, sila ay inaabuso, ginagamit sa prostitusyon o sapilitang pinagtatrabaho.

Ang unemployment ay tumutukoy sa sitwasyon kung saan ang isang indibidwal ay walang mahanap na trabaho kahit na may kakayahan at kahandaan siyang magtrabaho. Tinatayang nasa 2 milyong mga Pilipino ang walang trabaho.

Ang problema na ito ay nagdudulot ng kahirapan, kawalan ng kabuhayan, at kawalan ng oportunidad para sa mga manggagawa. Dahil sa kakulangan ng trabaho, maraming indibidwal ang hindi makapaghanap ng mapagkukunan ng kita at hindi makapagbigay ng suporta sa kanilang pamilya.

Sa Pilipinas, ang climate change ay nagdudulot ng iba’t ibang mga suliranin. Ang pagtaas ng temperatura, pagbabago sa pattern ng pag-ulan, at pagtaas ng antas ng dagat ay nagdudulot ng pagbaha, pagkasira ng mga kagubatan, pagkawasak ng mga sakahan, at pagkawala ng mga likas na yaman. Ito rin ay nagdudulot ng mas malalalang mga kalamidad tulad ng mga bagyo, tagtuyot, at paglindol.

halimbawa ng kontemporaryong isyu infographic

Halimbawa ng Kontemporaryong Isyung Pangkalusugan

  1. Covid-19
  2. Obesity o labis na katabaan
  3. Malnutrisyon
  4. Cancer
  5. Diabetes

Halimbawa ng Kontemporaryong Isyung Panglipunan

kahirapan
  1. Korapsyon
  2. Halalan
  3. Kahirapan
  4. Covid-19
  5. Terorismo
  6. Rasismo

Halimbawa ng Kontemporaryong Isyung Pangkapaligiran

basura
  1. Maruming mga ilog at dagat
  2. Isyu sa basura
  3. Deforestation
  4. Climate change
  5. Baha
  6. Noise pollution o mga ingay na gawa ng sasakyan, pabkira o tao
  7. Mining
  8. Quarrying
  9. Pagkaubos ng mga hayop katulad ng Philippine Eagle, Tarsier at Tamaraw

Halimbawa ng Kontemporaryong Isyung Pangkalakalan

  1. Pagtaas ng presyo ng mga bilihin
  2. Pagbaba ng value ng piso kontra dolyar
  3. Hirap sa pag-angat ang Philippine Stock Market