Bunot: Tagalog to English & What Is It

Ano nga ba ang bunot? Coconut husk in English.

bunot

Ang bunot ay isang uri ng kagamitang panglinis na gawa sa balat ng niyog. Ito ay ginagamit upang pakintabin ang sahig ng mga bahay.

Ito ay isang tradisyunal na kagamitang panlinis na matagal nang bahagi ng buhay nating mga Pilipino. Ginagamit ito noon kasama ng walis tambo at basahan upang linisin ang sahig ng mga bahay at ipakita ang kalinisan ng kanilang tahanan.

Karaniwan itong sinasamahan ng floor wax at ang kombinasyon na ito ay sobrang epektibo sa paglilinis at pagpapakintab ng sahig na gawa sa kahoy.

Ginagamit ito na parang basahan na pwede mong gamitan ng iyong paa o kamay.

Ngunit, sa paglipas ng panahon, nawala na ang kahalagahan ng bunot dahil sa pagdating ng mga modernong kagamitan sa panglinis at ang pagbabago ng pamamaraan ng paggawa ng mga bahay.

Bihira na ako makakita nito sa lungsod ng Maynila, pero medyo marami-rami pa rin ang gumagamit nito sa ibang probinsya ng Pilipinas.

Bagamat ito ay nakalulungkot, ito ay isang senyales din ng pag-unlad at pagbabago ng Pilipinas. Nagpapakita ito ng pag-adapt ng mga Pilipino sa mga bagong teknolohiya at kagamitan upang mapadali ang kanilang buhay.

bunot infographic

Saan Pwede Makabili ng Bunot?

Marami pa ring mga Pilipino ang gumagawa at nagtitindi ng bunot. Heto ang ilang mga lugar kung san ka makakabili:

  • Palengke
  • Shopee
  • Lazada
  • Facebook Marketplace

Presyo ng Bunot?

Ang magandang balita ay mura lang ang presyo ng isang bunot. Ang halaga nito ay naglalaro sa Php 20 to Php 100. Mas mahal ng konti kung bibili ka sa online kaysa sa malapit na palengke sa inyo.

Pronounciation

bu╦łnot

Other meanings / Iba pang mga kahulugan

Posibleng mag-iba ang kahulugan ng salitang “bunot” depende sa pagbigkas nito. Pwede itong bigkasin ng mabagal at mabilis.

  1. Bunot – (panggalan/noun) balat ng niyog na ginagamit panglinis at pangpakintab ng mga sahig.
    Halimbawa:
    Umorder ako ng bunot sa Lazada para mapakintab ko ang sahig namin.
    Gumamit kami ng bunot at floor wax kanina para linisin ang sahig ng classroom namin.
  2. Bunot – (pandiwa/verb) – hilahin ang isang/mga bagay.
    Halimbawa:
    Medyo masakit pa ang ngipin ko dahil sa pagbunot ng Dentista kanina.
    Binunot niya ang mga bulaklak sa hardin kaya nagalit si Mang Jose.