100+ Bugtong na may Sagot: Luma at Makabago [2023]
Ang bugtong o riddle ay isang uri ng palaisipan o tanong na idinisenyo upang hamunin ang isipan at mag-stimulate ng malikhain na pag-iisip. Karaniwan itong naglalaman ng isang pahayag o tanong na tila may simpleng sagot, ngunit hindi pala.
Kailangan mong paganahin ang iyong pagiging malikhain sa pag-iisip at maging mapagmasid dahil ang sagot dito ay nakakubli sa isang matalinong paraan.
Ang mga bugtong ay maaaring nakakatuwa at nakakapaglibang, at karaniwan itong ginagamit bilang isang uri ng sosyal o intelektuwal na pakikipag-ugnayan.
Maaari rin itong gamitin upang turuan ang kasanayan sa kritikal na pag-iisip at upang mag-udyok ng malikhain na pag-iisip. May iba’t-ibang uri ng mga bugtong, mula sa simpleng mga palaisipan hanggang sa mas kumplikadong mga palaisipan.
Ang mga bugtong ay isang bahagi ng kultura at panitikan ng mga Pilipino at mayroon ding iba’t-ibang uri tulad ng mga bugtong tungkol sa hayop, prutas, gulay, tao, lugar, at iba pa.
Mga Bugtong Tungkol sa Hayop
- Kay liit pa ni Neneng marunong ng kumendeng.
Sagot: Bibe - Anong hayop ang dalawa ang buntot?
Sagot: Elepante - Ang ulo ay kabayo, ang leeg o balabal ay pari, ang katawan ay uod, ang paa ay lagare.
Sagot: Tipaklong - Naghanda ang alila ko, nauna pang dumulog ang tusko.
Sagot: Langaw - Ito na si bayaw dala-dala ay ilaw.
Sagot: Alitaptap - Kinain ko ang isa ang tinapon ko ay dalawa.
Sagot: Tulya - Bata pa si Nene marunong nang manahi.
Sagot: Gagamba - Alin sa mga ibon ang di nakakadapo sa mga kahoy?
Sagot: Pugo - Matanda na ang nuno hindi pa naliligo.
Sagot: Pusa - Kahoy ko sa marigundong, sumasanga’y walang dahon.
Sagot: Sungay ng usa - Aling bagay sa mundo ang inilalakad ay ulo?
Sagot: Suso (snail) - Sa araw ay nahihimbing at sa gabi ay gising.
Sagot: Paniki - Tiniris mo na inaamuyan pa.
Sagot: Surot - Heto na si lelong bubulong-bulong
Sagot: Buguyog - Tag-ulan o tag-araw hanggang tuhod ang salawal.
Sagot: Manok - Bahay ni Ka Huli haligi’y bali-bali, ang bubong ay kawali.
Sagot: Alimango - Mataas kung nakaupo mababa kung nakatayo.
Sagot: Aso - Maliit pa si kumpare, nakaka-akyat na ng tore.
Sagot: Langgam - Sinturong walang mapaggamit-gamitan, bastong hindi mahawak-hawakan.
Sagot: Ahas - Kahit hindi tayo magkaano-ano, ang gatas ng anak ko ay gatas din ng anak mo.
Sagot: Baka - Pag munti’y may buntot, paglaki ay punggok.
Sagot: Palaka - Ibon kong saan man makarating, nakababalik kung saan nanggaling.
Sagot: Kalapati - Ang mukha’y parang tao, magaling lumukso.
Sagot: Unggoy - Heto na si Mang Topak, kokak ng kokak
Sagot: Palaka - Hakot dito, hakot doon, kahit maliit ay ipon ng ipon
Sagot: Langgam
Bugtong Tungkol sa Bagay
- Eto na si Kaka, bubuka-bukaka.
Sagot: Gunting - Tubig na nagiging bato, batong nagiging tubig
Sagot: Asin - Maliit na bahay, puno ng mga patay.
Sagot: Posporo - Dumaan ang hari, nagkagatan ang mga pari.
Sagot: Zipper - Bumili ako ng alipin mas mataas pa sa akin.
Sagot: Sumbrero - Isa ang pasukan, tatlo ang labasa.
Sagot: Kamiseta - Isang hukbo ng sundalo, dikit-dikit ang mga ulo.
Sagot: Walis - May bintana subalit walang bubungan, may pinto ngunit wala namang hagdanan.
Sagot: Kumpisalan - Kaisa-isang plato, kita sa buong mundo.
Sagot: Buwan (moon) - Ihagis mo man kahit saan, sadyang babalik at babalik sa pinanggalingan.
Sagot: Yoyo - Nagtago si Pedro, nakalabas ang ulo.
Sagot: Pako - Kung gabi ay malapad, kung araw ay matangkad.
Sagot: Banig - Dala mo, dala ka, dala ka pa ng iyong dala.
Sagot: Sapatos - May apat na binti hindi makalakad.
Sagot: Lamesa - Naabot na ang kamay, ipinagawa pa sa tulay.
Sagot: Kubyertos - Malaking supot ni Mang Jacob, kung sisidlan ay pataob.
Sagot: Kulambo - Ako ay may kaibigan kasama ko kahit saan.
Sagot: Anino - Sa maling kalabit, may buhay na kapalit.
Sagot: Baril - Sa buhatan ay may silbi, sa igibin ay walang sinabi.
Sagot: Bayong o basket - Hindi tao, hindi hayop, kung uminom ay salup-salop.
Sagot: Batya - Buto’t balat na malapad, kay galing kung lumipad.
Sagot: Saranggola - Lumuluha walang mata, lumalakad walang paa.
Sagot: Ballpen - Nagbibigay na, sinasakal pa.
Sagot: Bote - May puno walang bunga, may dahon walang sanga.
Sagot: Sandok - Hinila ko ang banig, sumigaw ang matsing.
Sagot: Kampana - Hindi hayop, hindi tao, pumupulupot sa tiyan mo.
Sagot: Sinturon - Kung kailan mo pinatay, saka pa humaba ang buhay.
Sagot: Kandila - Wala sa langit, wala sa lupa, kung tumakbo ay patihaya.
Sagot: Bangka - Binatak ko ang isa, tatlo pa ang sumama.
Sagot: Panyo - Bugtong kung sapin-sapin, nakasabit, nakabitin, araw kung bilangin, isang taon kung tapusin.
Sagot: Kalendaryo - Binatak ko ang banig, bumuka ang tikin.
Sagot: Payong - Kundi sa bibig ko ay nagutom ang barbero.
Sagot: Gunting - Isang biyas na kawayan, maraming lamang kayamanan.
Sagot: Alkansiyang kawayan - Kayraming nakahiga, iilan lang ang abot sa lupa.
Sagot: Bakod - Nagsaing ako sa apoy, tubig ang iginatong.
Sagot: Gasera - Malambot na parang ulap, kasama ko sa pangangarap.
Sagot: Unan
Bugtong Tungkol sa Tao o Katawan
- Heto na ang magkapatid, nag-uunahang pumanhik
Sagot: Mga paa - Dalawang batong itim, malayo ang nararating.
Sagot: Mga mata - Kay lapit-lapit na sa mata, di mo pa rin makita.
Sagot: Tenga - Isang bakud-bakuran, sari-sari ang nagdaan.
Sagot: Ngipin - Isang pirasong karne, laging basa.
Sagot: Dila - Limang magkakapatid, iisa ang dibib.
Sagot: Kamay - “Nandoon, nandoon” ang sabi, wala naman mga mata.
Sagot: Hintuturo - Isang balong malalim, puno ng patalim
Sagot: Bibig - Tatal na munti, panggamot sa kati.
Sagot: Kuko - Isang bayabas, pito ang butas
Sagot: Mukha - Halamang di nalalanta kahit natabas na.
Sagot: Buhok - Dalawang magkaibigan, nasa likod ang mga tiyan.
Sagot: Binti - Isang bundok, hindi makita ang tuktok.
Sagot: Noo - Dalawang libing, laging may hangin.
Sagot: Ilong - Limang magkakapatid, laging kabit-kabit
Sagot: Daliri - Aling parte ng katawan ang hindi nababasa?
Sagot: Utak - Dalawang punso-punsuhan, ang laman ay kaligtasan.
Sagot: Suso ng ina - Batong marmol na buto, binalot ng gramatiko
Sagot: Ngipin - Hindi tao, hindi hayop, kung uminom ay salup-salop.
Sagot: Batya - Buto’t balat na malapad, kay galing kung lumipad.
Sagot: Saranggola - Maliliit na sugat sa bibig, dahil sa tag-init at di sa taglamig.
Sagot: Singaw - Munting bundok, hindi madampot.
Sagot: Tae - Anong bunga ang malayo sa sanga?.
Sagot: Bungang-araw
Bugtong Tungkol sa Prutas, Gulay at Pagkain
- Bahay ng anluwagi, iisa ang haligi.
Sagot: Kabute - Baboy ko sa pulo, ang balahibo’y pako.
Sagot: Langka - Nakayuko ang reyna di nalalaglag ang korona.
Sagot: Bayabas - Isang prinsesa nakaupo sa tasa.
Sagot: Kasoy - Ate mo, ate ko, ate ng lahat ng tao.
Sagot: Atis - Isang tabo, laman ay pako.
Sagot: Suha - Kung tawagin nila’y santo hindi naman milagroso.
Sagot: Santol - Bulaklak muna ang dapat gawin, bago mo ito kanin.
Sagot: Saging - Nakatalikod na ang prinsesa, ang mukha’y nakaharap pa.
Sagot: Balimbing - Tatlong bundok ang tinibag, bago narating ang dagat.
Sagot: Niyog - Hindi Linggo, hindi piyesta, naglawit ang bandera.
Sagot: Dahon ng Saging - Isang magandang prinsesa, ligid na ligid ng espada.
Sagot: Pinya - Bahay ni Mang Pedro, punung-puno ng bato.
Sagot: Papaya - Balat niya’y berde, buto niya’y itim, laman niya’y pula, sino siya?
Sagot: Pakwan - Butong binalot ng bakal, bakal na binalot ng kristal
Sagot: Lansones - Baboy ko sa Mariveles, balahibo’y matutulis.
Sagot: Langka - Hindi naman hari, hindi naman pari, laging naka-korona.
Sagot: Bayabas - Maganda kong senyorita, susun-suson ang saya.
Sagot: Puso ng saging - Ulan ng ulan, hindi pa rin mabasa ang tiyan.
Sagot: Dahon ng gabi - Isda ko sa Maribeles, nasa loob ang kaliskis.
Sagot: Sili - Nung munti pa ay paruparo, nang lumaki ay latigo.
Sagot: Sitaw - Nang sumipot sa maliwanag, kulubot na ang balat.
Sagot: Ampalaya - Puno ko sa probinsya, puno’t dulo ay mga bunga.
Sagot: Puno ng Kamyas - Gulay na granate ang kulay, matigas pa sa binti ni Aruray, pag nilaga ay lantang katuray.
Sagot: Talong - Ikaw na ang humihiwa-hiwa ay siya pang lumuluha
Sagot: Sibuyas - Isang kumpol na ngipin, nakabalot sa papel
Sagot: Bawang - Gulay na may arte ang porma, berdeng buhok tinirintas sa umaga.
Sagot: Sigarilyas - Nang ihulog ko’y buto, nang hanguin ko’y malaking trumpo.
Sagot: Singkamas - Munggo ito na ipinunla sa taniman, naging puno itong walang dahong malalabay.
Sagot: Toge - Pamalo ni Mang Selo, mula paa hanggang ulo, nailuluto mo rin ito.
Sagot: Upo - Mapa-tubig, mapa-lupa, ang dahon ay laging sariwa.
Sagot: Kangkong - Hugis puso, kulay ginto, anong sarap kung kagatin, malinamnam kung kainin.
Sagot: Mangga - Isang magandang dalaga, di nabibilang ang sandata.
Sagot: Pinya - Kampanilya ni Kaka, laging mapula ang mukha.
Sagot: Makopa - Sinampal ko muna bago ko inalok.
Sagot: Sampalok - Magkapatid na prinsesa, lahat nama’y pawang negra.
Sagot: Duhat - Puno’y bumbong, sanga’y ahas, bunga’y gatang, lama’y bigas.
Sagot: Papaya - Isang pamalo, punung-puno ng ginto.
Sagot: Mais - Nang maglihi’y namatay, nang manganak ay nabuhay.
Sagot: Sinigwelas - Maputing parang kanin, dahon ng saging idinamit sa kanya.
Sagot: Suman - Malambot na kalamay na may katamisan, malinamnam at gawang Kapampangan.
Sagot: Tamales - Mga isdang nagsisiksikan sa latang kanilang tahanan.
Sagot: Sardinas - Karaniwang dinikdik itong baka, na kapag ipinirito ay katakam-takam na.
Sagot: Tapa - Pagbali-baliktarin man din, may butas pa rin.
Sagot: Donut - Pritong saging sa kalan, lumutong pagkat dinamitan.
Sagot: Turon - Gatas na inasukalan, selopeyn ang pinagbalutan.
Sagot: Yema
Bugtong Tungkol sa Kalikasan
- Bumubuka’y walang bibig, ngumingiti ng tahimik.
Sagot: Bulaklak - Baka ko sa Bataan, abot dito ang unga.
Sagot: Kulog - Ayan na, ayan na, hindi mo pa makita.
Sagot: Hangin - Nang umalis ay lumilipad, nang dumating ay umuusad.
Sagot: Ulan - Kaisa-isang plato, kita sa buong mundo.
Sagot: Buwan - Manok kong pula, inutusan ko ng umaga, nang umuwi ay gabi na.
Sagot: Araw - Palda ni Santa Maria, ang kulay ay iba-iba.
Sagot: Bahaghari - May kabayo akong payat, pinalo ko ng patpat, lumukso ng pitong gubat, naglagos ng pitong dagat.
Sagot: Alon - Bulak na bibitin-bitin, hindi pwedeng balutin.
Sagot: Ulap - Kumindat ang Sultan, natakot ang bayan.
Sagot: Kidlat - Putukan ng putukan, hindi naman magkarinigan.
Sagot: Kamatsile - Tablang magkabila, alulod ang gitna.
Sagot: Dahon ng saging - Nang bata ay nagsaya at naghubo nang dalaga.
Sagot: Kawayan - Sa init sumasaya, sa lamig ay nalanta.
Sagot: Akasya - Nang maalaala’y naiwan, nadala nang malimutan.
Sagot: Amorseco - Bungang pinagdahunan, dahong pinagbungahan.
Sagot: Pinya - May langit, may lupa, may dagat, walang isda.
Sagot: Niyog - Nagsaing si Ingkong, sumusulak ay wala naman gatong.
Sagot: Gugo
Ano ang mga Magagandang Naidudulot ng mga Bugtong?
Ang bugtong ay naging bahagi na ng pang-araw-araw na buhay natin. Naalala ko pa noon na lagi kaming nagbubugtungan ng aking nanay, tatay, mga kapatid, ng lolo at ng lola. Isa ito sa mga libangan namin noong hindi pa panahon ng mga celphone, internet at Netflix.
At sa totoo lang, maraming magagandang naidudulot ng mga bugtong o ang paglalaro ng palaisipan. Narito ang ilan sa mga ito:
- Ang mga bugtong ay nagpapalakas ng kakayahang mag-isip dahil kailangan natin suriin, maging malikhain at mag-isip upang makasagot sa palaisipan.
- Masayang maglaro ng bugtungan! Ang mga bugtong ay maaaring magbigay ng aliw at kaligayahan sa mga taong nag-eenjoy sa pagsagot ng mga palaisipan. Maganda rin itong libangan ng pamilya o ng mga magkakaibigan.
- Sa pamamagitan ng pagbasa o pakikinig sa mga bugtong, nakakatulong ito upang palawakin ang bokabularyo ng isang tao dahil kinakailangan ng pagsasaliksik at pag-unawa sa kahulugan ng mga salita.
- Ang mga bugtong ay bahagi ng kultura at panitikan ng mga Pilipino. Sa pamamagitan ng pagpasa ng mga bugtong sa susunod na henerasyon, nakakatulong ito sa pagpapanatili ng kultura at tradisyon ng mga Pilipino.
Maaari ba Akong Gumawa ng Sarili Kong Bugtong?
Oo naman, pwedeng pwede! Wala naman bawal kung ikaw ay nagnanais gumawa ng sarili mong mga bugtong. Hindi mo kailangan ng anumang espesyal na kakayahan upang gumawa ng bugtong.
Narito ang ilan naming tips para sayo:
- Pumili ng paksa
Una sa lahat, kailangan mong pumili ng paksa para sa iyong bugtong. Maaaring ito ay tungkol sa hayop, gulay, prutas o lugar. - Mag-isip ng mga katangian.
Pagkatapos ng pagpili ng paksa, kailangan mong mag-isip ng mga katangian na may kaugnayan dito. Halimbawa, kung ang paksa ay tungkol sa hayop, maaaring itanong ang mga katangiang pisikal nito o ang mga mahilig gawin nito. - Mag-isip ng mga maikling pangungusap.
Pagkatapos ng pagpili ng paksa at mga katangian, kailangan mong mag-isip ng maikling pangungusap na magpapahirap sa mambabasa o tagapakinig upang makasagot sa palaisipan.
Maaaring gamitin ang mga salitang magkakaugnay, magkakatunog o mga salitang may magkakaibang kahulugan. Lagi mong tandaan na dapat ay maiksi at klaro ang iyong mga bugtong nang sa ganoon ay hindi mahirapan ang iyong pagtatanungan nito. - Tapusin ang iyong bugtong.
Pagkatapos ng pag-iisip ng mga elemento, kumpletuhin mo na ang bugtong. Siguraduhin na ito ay talagang akma sa sagot at yung tipong hindi masyadong mahirap sagutin.
Mga Karaniwang Tanong tungkol sa mga Bugtong
Ano ang English ng bugtong?
Riddle ang English word ng bugtong.
Nakakahasa ba ng pag-iisip ang mga bugtong?
Oo, nakabubuti para sa ating utak at pag-iisip ang paglalaro ng mga bugtong. Ang pag-iisip ng mga kasagutan sa mga bugtong ay nakakahasa ng kakayahan natin na mag-isip, tumuon ng atensyon at magkaroon ng malikhain na pag-iisip.
Eliza is an educator, blogger, and former university teacher. She also loves to run and has an active lifestyle. She writes about education and her experiences getting into shape, and living a healthy lifestyle.