Ang Mapa ng Asya: Alamin natin ngayong 2023

Kamusta mga kaibigan! Sa araw na ito, tayo’y tutungo sa malalim na kaalaman tungkol sa mapa ng Asya. Alam niyo ba na ang Asya ay ang pinakamalaking kontinente sa mundo? Totoo! Ito ay matatagpuan sa silangan ng globo at ang lawak ng sakop nito.

Halika, tingnan ang mga larawan sa ibaba na inilagay namin para makatulong sa inyo.

Mapa ng Asya

mapa ng asya

Politikal na mapa ng Asya

mapang politikal asya

Hilagang Asya

hilagang asya

Kanlurang Asya

kanlurang asya

Timog Asya

timog asya

Silangang Asya

silangang asya

Timog Silangang Asya

timog-silangang asya

Bakit Mahalagang Pag-aralan Natin Ito?

Bakit nga ba mahalagang pag-aralan natin ang mga detalye tungkol sa mapa ng Asya? Narito ang ilang mga dahilan na sa tingin namin ay kung bakit ito mahalaga.

  1. Ang pag-aaral ng mapa ng Asya ay nagbibigay sa atin ng kakayahan na maunawaan at gamitin ang mga mapa. Ito ay makakatulong sa atin sa pag-navigate sa mundo at sa pag-unawa sa mga lokasyon at distansya.

  2. Sa pamamagitan ng pag-aaral nito, malalaman natin ang mga pangunahing katangian ng heograpiya tulad ng mga bundok, ilog, at kapatagan. Ito ay magbibigay sa atin ng kamalayan sa kalikasan at mga likas na yaman ng kontinente.

  3. Gaya ng sabi namin kanina, ang Asya ang pinakamalaking kontinente sa buong mundo. Ito ay may malaking bilang ng mga bansa at kultura na magkakaiba. Sa pamamagitan ng pag-aaral ng mapa, makikilala natin ang mga bansa sa Asya at ang kanilang kultura, wika, at tradisyon. Ito ay magbubukas sa atin sa mas malawak na mundo ng kaalaman at pang-unawa.

  4. Nakakatulong din ang pag-aaral nito sa paglawak ng ating mga kaalaman tungkol sa iba’t-ibang bansa sa Asya at ang mga tourist destinations ng mga ito. Magagamit natin ang mga ito kung tayo man ay mag-aabroad o magbabakasyon sa ibang mga bansa sa Asya.

Ang Mga Bansa sa Asya

Mayroong 50 bansa na matatagpuan sa Asya. Narito ang listahan (in alphabetical order) na ginawa namin para mas madali ninyo mapag-aralan ang mga ito:

  1. Afghanistan
  2. Armenia
  3. Azerbaijan
  4. Bahrain
  5. Bangladesh
  6. Bhutan
  7. Brunei
  8. Cambodia
  9. China
  10. Cyprus
  11. Georgia
  12. India
  13. Indonesia
  14. Iran
  15. Iraq
  16. Israel
  17. Japan
  18. Jordan
  19. Kazakhstan
  20. Kuwait
  21. Kyrgyzstan
  22. Laos
  23. Lebanon
  24. Malaysia
  25. Maldives
  26. Mongolia
  27. Myanmar
  28. Nepal
  29. North Korea
  30. Oman
  31. Pakistan
  32. Palestine
  33. Philippines
  34. Qatar
  35. Russia
  36. Saudi Arabia
  37. Singapore
  38. South Korea
  39. Sri Lanka
  40. Syria
  41. Taiwan
  42. Tajikistan
  43. Thailand
  44. Timor-Leste
  45. Turkey
  46. Turkmenistan
  47. United Arab Emirates
  48. Uzbekistan
  49. Vietnam
  50. Yemen

Ano Ang Pinakamalaking Bansa sa Asya?

Ang bansang Russia ang pinakamalaking bansa sa Asya kung ang sukat ng lupain ang basehan. Ito ay may laki na 17 million kmĀ² na lupain.

Ang bansang China naman ang may pinakamataas na populasyon sa Asya. Meron itong humigit-kumulang sa 1,439,323,776 na katao.

Maldives at Singapore naman ang mga pinakamaliit na bansa.

Samantalang ang Ang Pilipinas ay nasa ika-22 na pwesto pagdating sa kabuuang lawak ng lupa.